Mga Pahina

Powered By Blogger

Linggo, Disyembre 11, 2011

SI ELMER AY ANGHEL (Maikling Kwento)



            Isa akong Student teacher ng isang malaking comprehensive school. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit sa kursong ito ako napunta samantalang ang pangarap ko ay maging isang nars at isang mamamahayag na sabik isabak sa Mindanao.
            Nahihirapan akong gumawa ng lesson plans sa tuwina pagkat hindi ko alam kung ano ang angkop na metodolohiya ang dapat na gamitin. Tulog yata ako sa buong semester ng Professional Education.
            Masaya na mahirap. Unang araw ko ay lubha akong kinabahan. Sinong hindi, mas matalino pa yata sa akin ang mga estudyante. Pilit kong pinatatag ang aking sarili, ngumiti at bumati. Halos mgdugo din ang aking ilong sa pag-fu-fluent English.
            Anim ang hawak kong klase. Apat doon ay lowest sections at ang apat ay pulos mga star section ng ikalawang taon sa sekondarya. Hirap na hirap talaga ako. Pinagsisisihan ko kung bakit hindi ko sineryoso ang aking pag-aaral.
            Lumipas ang mga buwan, unti unti rin akong nakapag-adjust. Nagawa ko ring memoryahin ang mukha at pangalan ng bawat isa. Lubos din akong nagalak ng ipaalam sa akin ng aking cooperating teacher na nag-iimprove ang aking pagtuturo.
            Nagawa kong magposturang isang istriktang guro. Nakaya kong pakiharapan ng maayos ang lahat. Lower section? Expect the worse. Bumaba ako sa pedestal upang maabot ko sila. Sa higher sections naman, napapalaban ako sa English. Lahat ay competitive. May isa akong estudyante na sadyang matalino ngunit lagi na lang lumiliban at di nakikiisa sa  sa mga gawainng interaksyon.
            “Elmer, where’s your portfolio? You did not make it to deadline yet i’d gave you another chance. Five days again passed swiftly. Still, you had not passed!”
            “Tommorow ma’am.” Anitong hindi man lang nagtaas ng paningin sa akin. Yumuko ito at pumikit na tila ba antok na antok.
            Gusto ko siyang hambalusin pero ayaw ko naming kamuhian ng lahat. Ayaw ko ding ma-corporal punishment.
            Umiyak ako ng makarating ako sa boardinghouse. Ganoon pala ang pakiramdam ng hindi ka sinusunod. Ang sakit ding tila hindi pinapahalagahan ng estudyante ang leksyong iyong pinagpuyatan upang mapaganda lamang at mapagplanuhang maayos. Napakasakit! Nararamdaman ko na kung ano ang nararamdaman ng aking mga guro.
            Pumasok ako kinabukasan na may suot na oversized tinted shades upang itago sa madla ang pamumugto ko sa pag-iyak.
            Wala si Elmer, hindi ito pumasok. Nakapanlulumo, matalino pa naman ito. Tinanong ko ang kaibigan nitong si Kylexiz.
            “Ma’am,  both of his parents died and he was left in the hand of his brother.”
            Tumango lamang ako at nagdesisyong maghome visit kinahapunan upang malaman kung ano ang suliranin nito.

            Kasambahay ang nagbukas ng gate. Magalang niyang tinanong kung sino ang sadya ko, malugod ko naman siyang sinagot.
            “Ah si Elmer kamo Ma’am? Naku nasa talyer iyon, inaasikaso ang negosyo ng pamilya. Si Kuya Jason naman kasi hindi pa nagtitino mula ng mamatay ang kanilang mga magulang. Tuloy ang batang kapatid ang sumasalo ng responsibilidad.” Niyaya siya nitong pumasok ng kabahayan at nagpaalam na tatawagan ang batang amo.
            Maganda ang kabuuan ng bahay, lantay sa karangyaan. Hindi niya masolve ang logic kung bakit sa publikong paaralan ito pinapagaaral samantalang kayang-kaya naman itong papag-aralin sa pribado.
            Di nagtagal, dumatal na ang kanyang sadya. Gusot ang makintab na buhok at may grasa ang suot nitong T-shirt.
            “Ah, Ma’am Cherlyn, ikaw po pala. Sandali po at ikukuha po kita ng mamemeryenda’t maiinom.’
            Muli itong nagbalik tangan ang tray ng sandwich at juice.
            “Thank you!” matipid akong ngumiti habang inaabot ang inaalok nitong meryenda.
            Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtatanong. Nahihiya naman itong ngumiti at yumuko.
            “Pasensya na po kung hindi ako nakapasok kanina.”
            Tumango ako na nakakaunawa. Biglang tumunog ang cellphone nito.
            “Ma’am, i have to go to the bakery. May maliit pong problema na kailangang ayusin. If you don’t mind, you can accompany me.”
            Inayos ni Elmer ang di pagkakaunawaan ng dalawang trabahador nito. Lubha niya akong pinabilib. Masyado pa siyang bata pero grabe ang respeto rito ng mga nasasakupan nito.
            Labis akong nabigla ng basta na lamang may sumulpot sa pintuan. Mukha itong lasing pagkat sumusuray-suray ito ng konti.
            “Elmer! Bakit mo iniwan ang shop!”
            Nakakatulig sa tainga ang tono ng pananalita nito. Napagtagni-tagni ko ang mga impormasyong nakalap ko sa araw na iyon. Ito ang Jason na kapatid ni Elmer.
            Instinct pushed me to interfere ng aakma itong susuntukin ang kapatid. Ewan ko sa aking sarili pagkat nagawa kong pagbuhatan siya ng kamay at pagsalitaan ng masakit.
            “Kaya pala lagi na lamang siyang lumiliban sa klase pagkat ay iyong obligasyon ay kanyang pinapasan at ginagampanan! Ikaw na siyang dapat na gumagawa niyon ay lasing at mahina pa sa patpat! Hindi mo ba naisip na may isang taong umaasa sa iyo at patuloy na umaasa ngunit anong nangyari? Nagdurusa siya sa iyong kagagawan. Namatay nga ang iyong magulang ngunit may iniwan siya sa iyong alaalang dapat na ingatan.”
            Natulala ito sa aking sinabi. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi. Basta ang alam ko, niyakap ko muna si Elmer bago umalis. Binilinan ko pa siyang pumasok kinabukasan.
            Pumasok nga ito kinabukasan na bitbit ang yaring portfolio. Ng sumunod na araw ay nasiyahan ako pagkat hindi ito lumiban, nakikiisa na rin ito sa mga gawain sa klase.

            Minsan, nadaanan ako ng motor nito habang nasa daan ako papasok ng paaralan, huminto ito at inalok ako na sumakay. Nakakagulat pagkat inihatid ito ng kapatid na nagmukhang bata sa bago nitong gupit. Nahihiyang kumamot ito sa batok ng ngitian ko.
            Dumaan pa ang mga araw, namalayan ko na lamang na huling araw ko na sa paaralan bilang ST. Masakit man sa kalooban ay kailangan ko ng magpaalam. Maalala ko sila sa tuwina, gusto kong lumuha ng isa isa nila akong abutan ng goodbye notes at regalo nila na pakana ni Elmer.
           
            Nagreport ako sa unibersidad na aking pinapasukan ng mugtong mugto ang mata. Lubha akong nadala sa liham ni Elmer na kung susuriin ay hindi naman talaga nakakaiyak. Masyado nga lang mababaw ang aking luha at isa akong emosyonal na tao.
           
Ma’am Che,
                        I thank God because He gave me you.
                        Ng dahil sa iyo, nagkaayos kami ni Kuya Jason. Pati ang aming buhay ay inayos mo rin. Salamat ng marami. Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa aking buhay.
                        Maraming salamat din sa tulong mo, sa pag-alalay sa akin upang maunawaan ko ang mga pagksa na iyong tinalakay noong lumiban ako sa klase.
                        Hinding hindi kita malilimutan Ma’am.
                        ‘nga pala ma’am, crush kita.
Elmer

            Kalakip ng portfoliong iyon ang charcoal painting ng aking mukha. Siya din mismo ang gumawa niyon para sa akin.
            Siya din naman, hinding hindi ko malilimutan. Ng dahil sa kanya,  ganap kong naintindihan ang kahalagahan ng mga guro. Siya ang senyales sa akin ng Panginoon upang maipabatid sa aking para ako sa propesyong ito.

            Sadya talagang mababaw ang aking luha, dahil iyon sa kagalakan ng isang araw ay may inabot sa akin ang aking kamag-aral na liham mula kay Elmer.
            Iniimbitahan akong siyang magsabit sa kanya ng ribbon. Hindi ako nagdalawang isip na umoo.
            Proud akong pumanhik ng entabladong kasama siya ng sumapit ang araw ng rekognisyon habang nakangiting naghihintay sa amin ang kanyang kapatid sa ibaba. Nagpakuha kami ng litrato, pagkababa ay nagpakuha uli kami kasama ang kanyang kuya.
            Pagkatapos ay sa isang klas na restawran kami dumiretso upang ipagbunyi ang tagumpay ni Elmer. Masaya naming pinagsaluhan ang inorder na pagkain at ibinigay ko sa kanya ang aking handog.
            Saglit na iniwan kami ni elmer upang magtungo daw sa CR. Naiwan kami ng kapatid nito.
            “Salamat.” Ani ni Jason. Umangat ang aking paningin dito at tinugon ang mga ngiti nito sa labi.
            Pagbalik ni Elmer ay may tangan itong  rosas, iniabot ito sa kapatid at mabilis na umeskapo. Makikisaya daw ito sa mga kaklase, binilinan nito ang kapatid na ihatid ako sa amin ng maayos.
            Nahihiyang ngumiti muli si Jason habang inaabot sa akin ang rosas na kay pupula, tatlo iyon. Namula ang init na init kong pisngi habang inaabot iyon. J
                       

           
           


MARIA CLARA (Maikling Kwento)



            NAGDUDUMALING niyakap ni Maria ang ring folder na naglalaman ng lahat ng kanyang hand-outs sa Professional Education 3 & 4 saka lumabas ng bahay at nag-abang ng dyip. Napuyat siya sa pagsusunog ng kilay pagkat kailangan ang lahat ng asignatura ay nangangailangan ng kaukulang atensyon. Hindi siya kapara ng iba na kung kelan oras na ng pagsusulit ay saka lamang magkukumahog sa pagbuklat ng kwaderno at aklat. Hindi nagtagal ay may humintong magarang kotse sa kanyang harapan.
            “Maria, sakay na. I guess you are in hurry.”
            “Huwag na Jerome. Salamat na lang sa pag-aabala.”
            “C’ mon Maria, riding in my car won’t hurt you. Cyber age na po ngayon, hindi na uso ang Maria Clara. Besides’ you’re in a city, wala ka sa nayon. Matuto kang makibagay.”
            Matigas ang ginawa niyang pag-iling. Tamang tama may paparating na dyip, mabilis niya iyong pinara at lumulan. Ayaw niyang maging bastos. Ayaw lang talaga niyang ipagpilitan sa kanya ang mga bagay na alam niyang mali. Wala siyang pakialam kung pagtawanan man siya ng mga tao sa paligid.
            Tama bang ikaw ay nag-aaral ng pagkaguro at magsusuot ka ng mini-skirt at hayagan kung makipagharutan? Nahuhuling umiinom ng alak sa oras ng klase o dili kaya’y naninigarilyo sa harap mismo ng University?
            “Mama, para na po.” Inabot niya rito ang barya saka maingat na bumaba. Nakahanda na siya sa bulong-bulungan ng mga tao tungkol sa kanya sa araw na iyon ng Miyerkules- wash day kaya’t kahit anong baro ang suutin ay maaari.
            “Sis, look who’s coming. My grandmother’s incarnate!”
            “Yeah right! May nabubuhay pa palang ganyan sa Pilipinas. Baduy!”
            Hindi siya nagkomento sa sadyang parinig ng dalawang estudyanteng sosyal na sosyal ang dating. Maaaring may kaya ang mga ito, bulong niya sa sarili. Kaya nawawala ang  pambansang aydentidad ang Pilipinas dahil sa colonial mentality. Nawala ang marka ni Maria Clara na may dignidad at respetado.
            “Look who’s coming! The Miss Universe- National costume.”
            Malayo pa’y narinig na niya ang panlalait at tawanan ng kanyang mga kaklase na on- dated sa fashion. Sinalubong  siya ng mga nanunuyang titig ng mga ito. Napaisip tuloy siya: ano kaya ang mangyayari sakaling makapasa ang mga ito sa pagkaguro? Marahil tuluyan ng maglalaho ang orihinal na tatak ng mga Pilipino.
            Walang imik na humalo siya sa umpukan ng mga ito. Sarado pa ang silid na naka assign sa kanila.
            “Wala ka bang ibang outfit maliban sa mga sinaunang damit na iyan? Try miniskirt and tube. I’ll give you some if you don’t have one.” Hayagang wika ni Aimee. Dinig iyon ng lahat ng kanyang mga kamag-aral. Nagsipagtanguan ang mga ito saka isa isang nagvolunteer na magbibigay at ibibili siya.
            “Salamat na lang.” wika niya. “Pero sana hayaan ninyo ako sa aking pananaw. Ito ako at ayokong magbago pagkat iyon ang tunay na pagiging Pilipino.”
            “Weirdo!” buska sa kanya ng anak ng negosyanteng intsik. Hindi na lamang niya ito pinatulan, sanay na siya sa mga panlalait.
            “Maria, nakapagreview ka na ba?” tanong sa kanya ng isang kaklaseng si Dome. Kararating lang nito. Sa lahat ng kaniyang kaklase ay ito ay isa sa ilang gumagalang sa kanyang pananaw.
            Simpleng tango ang kaniyang itinugon dito saka ibinaling ang kaniyang tingin sa malayo.
            “Can I invite you to take breakfast with me. Kahit sa kantina lang tutal wala naman si Prof isinugod kagabi sa ospital. Inatake sa puso.”
            “Ikaw na lang. salamat sa imbitasyon.”
            Bumuntong hininga ito. “Huwag na lang. Malungkot ang kumain ng mag-isa.”
            Alam niyang may iba pang dahilan ngunit dahil sa awa ay pumayag din siya.
            “Sige, sasamahan kita kung kasama ko si Amata.” Huli na ng mapagtanto niya na wala na pala siyang ugnayan sa kaibigan niyang iyon na katulad niya ay isa ring manang. Ngunit nagbago ito ast hindi nakinig sa kanya. Napansin niyang ilang araw na din itong hindi pumapasok.
            Narinig niya si Emily. “Ako na lang ang tsaperon.”Nagpatiuna na ito at saka sila sumunod. Kung anu-ano ang ikinukwento sa kanya ni Dome. Labis siyang natutuwa at naaaliw pagkat iyon din ang motibo ng binata, ang pangitiin siya.
            Umorder ito ng agahan. Pati si Emily ay damay sa libre. Di nagtagal ay nagpaalam sandali si Emily, pupunta lamang daw ito ng restroom. Naiwan siyang hindi komportable. Naiilang siyang mapagsolo kasama ang isang lalaki.
            “Maria, maaari bang tumingin ka sandali sa aking mata?”
            Nagulumihanan siya sa sinabi nito ngunit kanya ring pinagbigyan ang pakiusap nito. Hindi niya alam kung bakit.
            “May pag-asa bang ako’y iyong ibigin?”
            “Hu- huwag nating pag-usapan ang bagay na iyan. Masyado pa tayong bata. Ma-mag-aral ka na lang ng maigi, alam kong kailangan ka ng kompanya ninyo.”
            Business Management ang kursong kinukuha nito. Magkaklase sila sa Rizal.
            “…maging ako ay ganoon din, nais kong maging guro at alam kong ikadudungis ng aking reputasyon kung sakaling ako ay papasok sa ganiyang bagay. Sana ay naiintindihan mo ako.”
            Malungkot man ay tumango ito at ngumiti. “Naiintindihan kita at hanga ako sa iyong layunin sa buhay. Hayaan mo akong hangaan ka at alagaan sa puso ko.”
            “Ang corny mo.” Nagawa niyang magbiro. Tumawa din ito. Ipinagpatuloy nila ang maganang pagkain at di nagtagal ay bumalik at sumalo na si Emily, maging sa usapan nila.
            Nag- ring ang phone nito kaya tumayo at nagpaalam sa kanila. Bahagya itong lumayo sa kanila.
            “Kayo ba ay nagkakamabutihan na?”
            “Hindi ah. Hangga’t maaari ay ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyan. Bukod sa ang konsentrasyon ko ay nasa pag-aaral, ayaw kong suwayin ang bilin sa akin nina Inay at Itay. Panira lamang iyan ng konsentrasyon.’
            “Tama ka diyan Maria, ako din magpapakatino na. ayaw kong matulad kay Amata.”
            Ha? Bakit? May nangyari ba kay Amata? Waring nabasa naman ni Emily ang katanungan sa kaniyang isip.
            “Oo, bumalik na siya sa probimsya. Hindi na nakuhang tapusin ang pag-aaral. Kalat na kaya sa buong campus na nabuntis siya ni Frank na ayaw naman siyang panagutan. Dahil sa kahihiyan, hayun umuwi na lang ng probinsya.’
            Kaya pala hindi na niya nabibistahan ni ang anino nito. Sila na lamang pala ni Emily ang iskolar ng kanilang local na pamahalaan. Lalong tumatag ang kaniyang paninindigan. Hindi niya dapat na tularan si Amata. Hindi niya lubos- maisip kung anong klaseng kabiguan ang malalasap ng kaniyang magulang sakaling mangyari din sa kanya ang katulad ng kay Amata.  Tutupdin niya ang pangakong medalya at diploma sa kaniyang  mga magulang nang sa gayun ay masuklian naman niya ang sakripisyo nito sa paggapang sa kaniyang pag-aaral.
            “Kaya nga magtino tayo. Saying ang salaping inilaan satin ng gobyerno. Nakakapanghinayang mauuwi sa lahat ang ating mga pagpupuyat.”
            “Tama ka diyan Maria. Ito lamang ang magiging alas natin sa pagharap sa paghamon ng buhay.”
            Ibinaba na niya ang kutsara’t tinidor. Ganoon din ang ginawa ni Emily. Saka siya dumampot ng baso ng tubig upang uminom.
            “Tapos na pala kayo.” Nakabalik na si Dome.
            Inaya na niya itong puntahan ang sunod na silid-aralan. Ito ang nagdala ng kaniyang ring folder.
            Alam niyang tama ang naging pasya niya na ipagpliban muna ang usaping pag-ibig. May tamang oras para doon.
Sa ikalawang palapag ng gusali si;a nagtungo kung saan ay kaklase pa rin nila ni Emily si Dome. Umupo sila at nag-review. Tawa ng tawa ang binata ng biruin ito ni Emily kung ano ba ang nagustuhan nito sa kanya.
            “I like her. Old fashion, isang totoong Pilipina na respetado at may dangal at dignidad.”
            Hindi niya maiwasan ang mapangiti. “Mag-aral na nga lang tayo. Finals na, huwag ninyo itong idaan sa biro.”
            “Oo nga po. Aking sintang Maria Clara.”
            Maya maya lamang ay nagsidatingan na ang kanilang mga kamag-aral. Nag-iiingay na naman ang mga ito na tila ba sarili ang daigdig. Walang imik na iinagpatuloy na lamang niya ang pag-aaral. Nararamdaman niya ang titig ni Dome kaya hindi niya naiwasan ang itaas ang titig dito. Nginitian siya nito at nag-senyas ng goodluck. Tumango lang siya.
            Biglang pumasok sa kaniyang isip ang katanungang: ilan na lang kaya kaming Maria Clara sa Pilipinas abutin pa kaya ng sanlibo ang aming bilang? Sana’y mahigit pa doon. J
















Handog Ni Crush (Maikling Kwento)


            Ang lahat ay abala sa harding malawak na nalalatagan ng Bermuda. Abala sa pag-aayos ng mesa, pagluluto at paghahanda ng pagkain at dessert. Ika labingwalong kaarawan kasi ng anak  ng bise-alkalde ng isang probimsya - si Kheng.
            Isang magarbong pagtitipon ang ipinahanda ng bise-alkalde para sa anak. Ang tanging hangad lamang nito ay ang kanyang kasayahan at ang mailunsad ang pangalan nito sa alta-sociedad kung saan nabibilang ang kanilang pamilya.
            Sa itaas, sa kanyang silid, nakaharap sa salamin ang debutante. Inaayusan siya ng baklang kaibigan at kaklase. Maigi na iyon, magkasundo sila nito at libre siya sa pag-papaayos, i-refer lang daw ito sa kanyang mga kakilala ay masaya na ito. Sabagay, malaking break sa career nito bilang beautician ang pag-ayos sa kanya. Kilala siya sa kanilang lugar at sikat.
“Day, ha?” huwag mong kakalimutan ang napag-usapan natin. Ire-refer mo ako sa mga kakilala mo.” Wika nito habang inaayusan ang buhok niya.
            “Oo naman Remy. Ikaw pa, malakas ka yata sa’kin. Teka, matagal pa ba iyang ginagawa mo. Naiinip na ako.”
            “Sandali nga lang. Malapit na itong matapos.”
Tila minagic nito ang kanyang ayos. Ilang sandali pa’y pinatayo siya nito at pinaikot ikot sa harap ng tokador. Di niya mapigilan ang mapabulalas, ang ganda niyang tingnan sa puting gown na suot. Ang kanyang natural na ganda, ang maamong mukha ay lalong pinatingkad ng kolorete. Sa katunayan, may ilang kalalakihan ang hantarang nagpahayag sa kanya ng paghanga at intensyong manligaw. Ngunit sa malas, isa man sa mga ito ay wala siyang gusto.
Lahat ng tao sa paligid humanga sa taglay niyang ganda. Naging masaya siya pagkat ang lahat ay na eenjoy, walang nababagot.
Nagsidatingan ang kanyang mga kamag-aral sa kolehiyo at dati, sa mataas na paaralan. Lahat ay may bitbit na regalo.
Hindi nawala sa okasyon ang presensya ng matalik na kaibigang si Chari. Kaibigan niya ito mula pa noong musmos pa, hanggang sa pumasok sa paaralan, pareho ang kanilang pinasukan at ng mag-kolehiyo, pareho ang kanilang kursong kinuha.
Katulad ng ibang nagsidaan sa prosesong iyon, napaluha siya sa labis na galak at kalungkutan na rin. Tanda iyon ng kanyang pag-iwan sa kamusmusan at pagharap sa mundo bilang isang dalaga at hindi lamang iyon nagtatapos doon. Ang responsibilidad sa kanyang sarili ay iniaatang na sa kanyang balikat.
Galak pagkat isa na siyang ganap na dalaga; lungkot dahil hahanap-hanapin din niya ang pagbe-beybi sa kanya ng ama.
Kay daming regalo siyang natanggap, sumaliw sa musika ang halimuyak ng bulaklak na bigay sa kanya ng labinwalong binata-mga kaklase, kaibigan, crush at pinsan.
Matapos magpalipat lipat ng mesa upang i-entertain at itanong kung okay lang ba ang mga bisita ay nagpaalam siyang sasaglit sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kanyang kawarto sa taas. Pasadlak na naupo sa gilid ng kama at itinukod ang dalawang kamay sa baba. Kahit pa gabundok sa dami ang regalong kanyang natanggap, kahit na nagsidalo ang kanyang malalapit na kaibigan at kaklase, tila hindi kumpleto ang kanyang gabi.
“Umalis ka ng party para mag-emote?” hindi niya namalayang smunod na pala sa kanya si Chari. Ipinagpatuloy nito ang pagbubuska. “Ang drama mo, alam mo ba iyon?”
“Napagod lang ako sa kasasayaw.”
“Di nga. Kaylan ka pa natutong magsinungaling?”
Umaasta sa namang manghuhula ang kanyang kaibigan. Ang galing talaga nitong bumasa ng mukha, arok na arok ang kaibutran ng kanyang isip.
“Oo na.” pag-amin niya. Di man iyon diretsahan nakuha naman ni Chari ang ibig ipahiwatig ng kanyang binitawang kataga.
“Buksan na nga lang natin itong mga regalo sa loob ng silid,” anito. Ayaw niyang gumalaw, hinatak siyang makulit na kaibigan kaya napilitan siyang magbukas.
“Ngumiti ka muna diyan. Para kang namatayan ng butiki. Sige ka, maaga kang tatanda niyan.”
Tinawanan niya ang sinabi nito.
“Pocketbook?”
“Oo, pocketbook nga. Bulag na talaga ang kaibigan ko.”
Napangiwi siya sa huling binuksang kahon. Condoms. Iba na talaga ang kabataan sa kanyang panahon. Sino kaya sa mga bisita niya ang nagregalo niyon? Tuloy, di niya napigilan ang mapasimangot.
Saglit siyang lumayo sa tokador na kinapapatungan ng mga binuksang regalo at lumapit sa salaming bintana upang pagmasdan ang kasiyahan na nagaganap sa ibaba.
“Si Brent ba ang hinihintay mo?” ipinag-krus pa ng kaibigan ang bisig.
“Hay naku, huwag ka ng umasang darating iyon. Alam mo namang lagi iyong busy saka kuripot, inimbita mo ba?”
“Oo. Isa sana sa magbibigay ng rosas sa akin, iyon nga lang tumanggi pagkat hindi raw siya sigurado kung makakadalo siya.”
“Huwag ka na kasing umasa. Mabibigo ka lang. langis ka, tubig siya.” Tumawa ito ng marahan.
Hindi niya naiwasang mapabuntong hininga, crush niya si Brent kahit pagtawanan siya ng mga nakakakilala sa kanyang galing sa bunena familia.
Masama bang hangaan ang isang tunay na may adhikain sa buhay? Ano ang mali sa pagiging part-time janitor. Eh ano kung nakapasok ito ng private university dahil sa scholarship grant. Ano ba naman kasi ang ipinagmamalaki ng mga tumutuya sa katulad ni Brent? Iyong old-rich? Iyong mga bagong damit, kotse o laptop na hindi naman nila pera ang ipinambili kundi galing sa magulang. Mga taong hanep sa porma wala namang ibubuga sa klase. Eh ano kung anak siya ng kilalang pulitiko? Mas higit na dapat hangaan si Brent sa layunin nitong maging isang inhenyero-si Brent na hindi nahahadlangan ng kahirapan para makapagtapos. Tatlong buwan na lang ang bubuin nito at ga-gradweyt na ito. Ang pagiging matikas ng mahubog nitong katawan ay isa lamang na bonus puntos para sa kanya. Hindi siya tulad ng ibang kabataan na ang porma ng isang tao ang siyang batayan ng paghanga.
Marahang katok sa pinto ang pumukaw sa kanyang diwa. Nakamasid lamang si Chari. Ang kawaksing si Juana ang napagbuksan niya. Humahangos pa itong  yumukod. Marahil dahil sa pagmamadaling umakyat sa mataas na antigong hagdanang yari pa sa pinakinis na narra.
“May naghahanap pos a inyo sa ibaba.”
Mabilis pa sa alas-kuwatrong bumaba siya ng hagdan dahil sa tinuran ng kawaksi at nadatnan doon si Brent. Tama ang kanyang hinala, dadalo ito sa kanyang pagdiriwang. Labis labis ang pasasalamat niya sa Panginoon pagkat dininig nito ang kanyang panalangin. Tumayo ito agad ng siya ay makita.
Iniabot nito sa kanya ang nakabalot na regalo.
“Happy 18th birthday Kheng. Pasensya na ha, ngayon lang ako nakarating. Di ko kasi maiwan iwan iyong ginagawa kong draft.”
“Salamat Brent. Akala ko ngay hindi ka darating.”
Naglahong bigla ang lahat ng kanyang tampo sa mundo.
“Ang ganda mo Kheng.”
Simple lamang ang papuring iyon. Gusto niyang magpasalamat ngunit iba naging dating pagkat si Brent ang nagsabi, nagkandautal siya sa pagsasalita.
“Sa…lamat Brent.”
Kunwari ay lumingon siya sa likod,tamang tama at pababa si Chari. Namula siya sa panunukso ng mga mata nito. Mi-nental telepathy niya itong tumigil.
“Brent, ikaw pala. Mabuti’t nakarating ka. Kanina ka pa hinihintay ng kaibigan ko. Para nga iyang di mapakaling buntis na pusa.”
Pinandilatnan niya ito, tumalilis naman si Chari. Nagdahilan itong hahanapin sa Lea Mae, isa sa mga kaibigan nila. Kukunin daw nito ang hiniram na CD tape na ipinasadyang dalhin para pagkatapos ng party, pagkauwi ay makapagsimula na itong mag-movie marathon.
Nadatnan nila sa kusina ang katulong na si Aling Gloria, humiling siya ng ipaghain sila ng makakain. Akmang dadalhin nito sa dinig room ang handa’y pinigilan niya ito.
“Dito na lamang po kami sa kitchen kakain Aling Gloria, gusto ko magkamay baka mahuli ako ni Papa.”
Ngumiti itong nakakaunawa. Siya mismo ang kumuha ng plato’t kutsara at tinidor na para kay Brent. Nanatili itong nakamasid sa kanyang ikinikilos.
“Maupo ka Brent.”
Sumandok siya ng kanin at kumuha ng pritong hipon saka nagkamay.
“Kain ka Brent. Pasensya na, mas gusto ko kasing ganito kumain. Mas masarap kasi ang pagkain kapag kinakamay. Madalas nga akong makikain kina Chari. Dito kasi sa bahay, de numero bawat galaw. Kahit pagsubo ng kanin.”
“Masuwerte ka Kheng, may kaya ang iyong angkan. Isa iyang kaloob sa’yo ng Maykapal.”
Ngumunguya siya habang nakatingin dito.
“Hindi ko nakakalimutang ipagpasalamat iyan. Ikaw, masuwerte ka din pagkat pinagkalooban ka ng Panginoon ng talino at kasipagan.”
“Lahat naman tayo ay biniyayaan ng Panginoon ng ganyang katangian. Tayong tao lang naman ang sinasayang ang kanyang kaloob. Tapos, kung saan huli na ang lahat, saka manghihinayang at sisisihin pa ang Diyos. Siya naman itong dapat na kumikilos. ’ika nga, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
May laman ang sinabi nito at naiintindihan niya. Tayo ay may kanya kanyang kaloob na dapat gamitin sa tama at kapurihan ng Maylalang.
“May punto ka diyan Brent.”
Kung anong bagay ang kanilang napag-usapan at natalakay. Kanya-kanyang buhay, buhay estudyante, suliranin ng bansa at kalikasan, mga sekreto sa buhay.
Di nila namalayan ang paglipas ng oras. Kung hindi pa sila hinanap ni Chari at sabihing marami ang nagde-demand ng kanyang presensya sa labas ay hindi pa siya tatayo at maghuhugas ng kamay.
Nagpaalam na si Brent na uuwi. Ipinahatid niya ito kay Aling Gloria sa gate. Hindi niya mapigilan ang lalong nadagdagan ang paghanga nito.
Muli siyang bumaba at nakisalamuha, nakipag-usap sa mga bisita niya at ng ama. Mag-aalas-dos na ng medaling araw ng umuwi ang huling bisita. Pumanhik na rin siya sa silid. Nagmamadali.
Nabigla siya ng tumunog ang phone niya. Tumawag ang ina na nasa kabilang ibayo. Halos maiyak siya sa pagbati at pangangamusta nito sa kanya at sa kanyang kaarawan. Bumugso ang pangungulila niya rito, dalawang taon na rin silang hindi nagkikita. Hindi matapos tapos ang kanilang usapan. Mag-aalis tres ng magpaalam ito,oras ng trabaho nito.
Bigla niyang naalala ang regalo ni Brent, buong ingat niya iyong binuksan.May kalakip iyon na note.
Kheng,
Bago ka matulog, itabi mo ang lahat ng problema at damhin ang unang ito. Isipin mo ang Pag-ibig ng Diyos ay sapat upang malagpasan ito,ang lahat ng pagsubok, isipin mong ang lahat ng ito ay paraan lamang upang lalong tumibay ang iyon pananalig. Isiping mong  may taong nagmamahal sa’yo.

Sana’y maging masaya ka sa iyong kaarawan.
                                                                  Brent
            Wala sa loob na niyakap niya ang unan, saka humikab. Tama ito.
Excited na siyang dumaan ang bagong araw ng sa gayon ay Lunes na. tiyak na magtatagpo ang kanilang landas sa University. Nais niya itong pasalamatan sa regalong natanggap, maging sa payo nitong nagsilbing ilaw sa medyo nandidilim niyang isip. Nais din niyang masilayan ang ngiti nito sa labi at maging ang dalawang biloy nito sa pisngi. Tiyak niyang magdadagdag iyon sa kanyang ispirasyon sa pag-aaral.J

GINTONG KWINTAS NA PUSO (Maikling Kwento)


            Muling inilapag ni G. Reamucio ang puswelo ng mainit na kape matapos sumipsip ngkaunti saka muling itinuon ang kanyang paningin sa binabasang dyaryo. Isang buntonghininga ang kanyang pinakawalan matapos mabasa ang nasa frontpage, puro larawan at follow-ups sa nangyaring tsunami sa Japan na siyang lumuray sa industriyalisadong bansa.
            Labis na pighati at pagkabahala ang dala niyon sa kanya. Pighati pagkat mahigit dalawang lingo nang hindi natutunton si Maisie. Bagamat tanggap na niyang hindi sila ang tinakda para sa isa’t isa, ito pa rin ang nag-iisang umuokupa ng kanyang puso. Pagkabahala pagkat hindi na matutuloy ang pagdisclose ng deal ng AltaReamucio Cyberspace, Inc. kung saan siya ang CEO at ng sikat na computer company ng Japan. Marami pa man din silang kliyenteng maapektuhan at hindi siya magkandaugaga sa pag-iisip kung ano ang solusyon ang ilulunas niya sa problema. Hindi ganoon kadali ang makipagdeal at isa pa, kung hahanap siya ng panibagong makakadeal, tiyak na hindi presyong kaibigan ang ipapataw nito kundi standard market prize.
            Apektado ang ekonomiya ng bansa, maging ang kompanya na pinagkukunan ng kanyang kinabubuhay. Malaking pagnipis ng kanyang electronic money ang mangyayari at hindi malayong matibag ang kanyang mataas na reputasyon sa industriya at maglaho na parang bula.
            Mula sa rooftop ng kanyang apat na palapag na residensya, tanaw niya ang bughaw na kalangitan at mga kumpol ng puting ulap, ang kapaligirang kinatitirikan ng kanyang bahay at ang daloy trapiko sa kahabaan ng isang kalye sa Makati City.
            Isa pang malalim na pagpakawala ng buntonghininga. Hindi malayong mawala sa kanya ang lahat mga ari-arian at kasaganahang kanyang tinatamasa.
            Krnggg…krnggg. Ang pag-iingay ng kanyang telepono ang siyang dahilan upang maudlot ang tuloy tuloy sanang pagdagsa ng mga alalahanin sa kanyang buhay. Iniangat niya iyon, hinayaang ang nasa kabilang linya ang magsalita.
            “Sir,a certain Yuki Yokohama is insisting me to connect him with you. He is demanding a call from you.”
            “I’ll be at the office in an hour, saka ko na siya tatawagan.”
            Pagkababa ng telepono ay muli siyang humigop ng kape. Bagamat nais niyang mas lalong umunlad sa maiksing durasyon ng oras, ayaw niyang dinadala ang negosyo sa bahay. Isa iyon sa ikinapupuri sa kanya ng mga kilalang pangalan sa larangan ng negosyo pero sa oras na iyon, hindi niya napigilan ang mag-alala.
            Sana’y nasa mabuti siyang kamay. Nanghihina ang kanyang tuhod ng muling sumagi sa kanyang isip ang mukha ni Maisie. Tuloy, pati ang kanyang diwa ay naglagalag sa himpapawid. Natagpuan niya ang sarili na sumaglit sa nakaraan. Unang kita pa lamang niya pa lamang niya kay Maisie ay alam niya sa kanyang sarili na ito ang nagmamay-ari ng kanyang puso. Nagkakilala sila ng minsang dumalo ito kasamang mga magulang na kilala sa larangan ng negosyo sa isang sosyalan, hindi sinasadyang natapakan niya ang sandals nito. Inisyal na reaksyon na inaasahan niya ay magagalit ito ngunit ito pa ang huminging paumanhin.
            Mula noo’y nag-iba ang ikot ng kanyang mundo. Nagsilbi itong inspirasyon sa kanyang pag-aaral at negosyo, tuwina’y tinatawagan niya ito at minsan naman ay sinusundo sa unibersidad na pinapasukan nito. Hindi naglaon ay nagbunga ang kanyang panunuyo. Napasigaw sa galak at lumukso pa sa harap ng mga nagdaraang mag-aaral ng sagutin siya nito. Ngunit kaybilis magbagong pasya ng tadhana, inilayo ng mga magulang si Maisie sa kanya, sa kabilang ibayo ito nagpatuloy ng pag-aaral pagkat iyon ang kagustuhan ng magulang nito na hindi mabali-bali.
            Halos madurog ang kanyang puso habang sa malayo ay inihahatid niya ng tanaw ang sintang irog habang pasakay ito sa eroplano. Nais man niyang lumapit ay hindi niya magawa pagkat nakabuntot dito ang mga istriktong magulang.
            Tanging halik na sumisimbolo ng kanilang marubdod na pagmamahalan at sumpang sila ang magsing-irog habang buhay ang siyang kanyang pinanghahawakan upang patuloy na mabuhay at makibaka sa agos ng panahon.
            Krnggg…Krnggg. Ang muling pagtunog ng kanyang telepono ang nagpagising ng kanyang diwa.Iniangat niya iyon.
            “Ser kaelangan pong bomaba kayo reto bago pa bomaha ng loha.”
            “Segunda, anong pakulo na naman iyang sinasabi mo? Wala akong panahong patulan ang mga kalokohan mo.”
            “Ser,hende eto juk. Ang kulet ng batang eto. Henahanap ka, nagbanta pang magwawala at babasagen ang mga peguren paghende ka lomabas. Hende daw po seya aales pag de ka nagpaketa.”
            Bata? Baka naliligaw lamang ito at alam niyang hindi siya ang sadya nito pagkat wala siyang kakilala siyang kakilalang bata. Nag-iisa siyang anak kaya wala siyang ianaasahangbisitang pamangkin, wala rin siyang ibang kilalang pamilya pagkat pulos nasa Siquijor ang kanyangmga kapamilya. Sa tanang buhay niya’y hindi pa niya nabibistahan ang mga mukha ng kanyang mga kamag-anak.
            Nagbanta pang magbabasag ng pigurin. May pagkamainitin ang ulo, napangiti siya sa inilarawan ni Segunda. Ganoon din siya noong araw. Nagwawala kapag hindi nakukuha ang nais kamtan.
“Tanungin mo kung sino ang kailangan. Baka naligaw lamang iyon. Baka kapitbahay natin ang kailangan.”
“E, ser, Chome Reamucio. Ikaw lang naman ang Reamucio sa sobdebesyong eto.”
Kumulubot ang kanyang noo sa pag-iisip kung ano ang kailangan nito sa kanya. Tumayo siya at ipinamulsa ang kaliwang kamay.
“Sandali at bababa na ako Segunda. Papanhikin mo na rito si Cristine at utusang iligpit itong pinagkapehan ko.”
“Opo ser.”
Maingat na humakbang siya pababa ng hagdan, iyon ang hagdan kung saan madalas siyang maaksidente noong bata siya. Hindi lamang dahil sa malikot siya at minamadali ang pag-akyat baba kundi dahil sadyang madulas ang hagdang kayhaba. Araw-arawitong nilalampaso at nililinis ng Yaya Francia sa utos ng inang kahit saang anggulo ay kita ang pagkaistrikta. Mabuti at noong nagdesisyon itong manirahan na sa Espanya kasama ang kanyang Papa niya’y isang ulit na lamang ang pagbubunot na pinagagawa niya sa katulong kada isang buwan.
Nadatnan niyang nagtatalo si Segunda at ang kanyang batang bisita. Nakatayo itong patalikod sa kanyang kinatatayuan. Habang ang kanyang katulong ay prenteng nakaupo sa sofa.
Mahaba ang buhok ng matangkad na bata, malusog ang pangangatawanat makinis. Sa tantiya niya ay  kabilang ito sa buena familia at ang edad ay hindi lalagpas sa sampung taon. Natitigilan siya ngunit agad din namang nakabawi.
“Iharap mo siya sa akin sa lalong madaling panahon bago pa ako mag-huramentado. Tiyak na mali-late ako sa school, uulanin ng sermon ni titser.”
“Maghentay ka. Bababa na eyon. Howag kang atat pwidi? Narerende na ang tenga ko sa eyo.”
Humalukipkip ito saka naglakad lakad. Tumigil ng matuon ang pansin sa nakasabit na larawan sa dingding. Bigla na lamang tumibok ang kanyang puso, hindi niya mahalukay sa kanyang isipan kung bakit siya nagkakaganoon. Tila may bumara sa kanyang lalamunan pero baka nagkakamali lamang siya. Humarap itong bigla at nag-usap ang kanilang mga mata. Tila may maliit na kamay ang humaplos sa kanyang puso. Alanganing sumungaw ang tila nahihiya pang ngiti sa kanyang labi.
“Magandang umaga po.” Magiliw na yumukod ang bata.
“Magandang umaga binibini. Halika doon tayo mauposa sofa, mag-usap tayo.”
Sumunod dito sa kanya. Inutusan niya ang katulong na ikuha ito ng snacks.
Patlang.
Pawang katahimikan ang nasa ere.
Nakatitig lamang siya rito. Ang maamo nitong mukha, ang mga mata at malalantik napilik, ang ilong- pawang replica ni…
Maisie, turan ng kanyang isip. Bumaba ang kanyang titig sa leeg nito…suot ang kwintas na hugis puso na tiyak niyang lantay sa ginto.
“Matagal na akong pinabibisita dito ni mama. Di lang lang talaga ako makapuslit kina lola.hindi kop o alam kung bakit pinipilit ni mama pero ngayong wala na siya, saka ako nagkalakas loob na pumunta dito. Bilin kasi niyang tuwina ay bisitahin kita.”
Hindi niya magawang magsalita, ganoon yata ang nararamdaman ng isang…
“Maaari mo bang buksan iyang hugis puso para sa akin?”
“Opo, sandali lang po.”
Tinanggal nito ang kwintas mula sa pagkakasuot sa leeg saka binuksan at iniabot sa kanya. Halos hindi siya makahinga ng makumpirma ang hinala. Ito ang kwintas na ibinigay niya kay Maisie noong kanyang ipadama ang pag-ibig sa kanyang mahal. Naroon ang larawan nilang dalawa.
Umalpas ang laksang luha ng muli niyang titigan ang mukha nito. Hindi niya halos magawang huminga dahil sa pagrigodon ng kanyang puso. Lumuhod siya’t niyakap ito.
“Bakit po kayo umiiyak? May problema po ba sa akin?”
Hinagod niya ang likod nito at tumawa.
“Wala. Saan ka ba nag-aaral at ihahatid na kita.”
“Sa St. Helena po pero…”
Dumating si Segunda dala ang cookies at juice.
“Huwag na po. Late na ako.” Anitong alukin niya ng pagkain.
“Sige. Halika na at ihahatid nakita. Susunduin na din kita pagkatapos ng klase mo. Kakausapin ko ang iyong lola.”
“Po? Huwag! Magagalit sila.”
“Wala kang dapat na ikatakot, dito ka na titira.”
“Ho?”
“Anak kita Chrome!”
Walang pagsidlan ang kanyang tuwa ng yumakap ito sa kanya ng mahigpit.  Hindi niya akalaing isa na pala siyang ama. Disidido siyang punan ang kanyang pagkukulang bilang ama sa loobng lumipas na sampung taon.
Muli niyang isinuot dito ang kwintas na hugis puso saka magkahawak kamay na lumabas ng mansyon.
“Yehey! Ipapakilala kita sa mga classmates ko. May daddy na ako.”anitong hawak pa rin ang kanyang kamay.
Isang malawak na ngiti ang kanyang itinugon. J