Mga Pahina

Powered By Blogger

Linggo, Disyembre 11, 2011

MARIA CLARA (Maikling Kwento)



            NAGDUDUMALING niyakap ni Maria ang ring folder na naglalaman ng lahat ng kanyang hand-outs sa Professional Education 3 & 4 saka lumabas ng bahay at nag-abang ng dyip. Napuyat siya sa pagsusunog ng kilay pagkat kailangan ang lahat ng asignatura ay nangangailangan ng kaukulang atensyon. Hindi siya kapara ng iba na kung kelan oras na ng pagsusulit ay saka lamang magkukumahog sa pagbuklat ng kwaderno at aklat. Hindi nagtagal ay may humintong magarang kotse sa kanyang harapan.
            “Maria, sakay na. I guess you are in hurry.”
            “Huwag na Jerome. Salamat na lang sa pag-aabala.”
            “C’ mon Maria, riding in my car won’t hurt you. Cyber age na po ngayon, hindi na uso ang Maria Clara. Besides’ you’re in a city, wala ka sa nayon. Matuto kang makibagay.”
            Matigas ang ginawa niyang pag-iling. Tamang tama may paparating na dyip, mabilis niya iyong pinara at lumulan. Ayaw niyang maging bastos. Ayaw lang talaga niyang ipagpilitan sa kanya ang mga bagay na alam niyang mali. Wala siyang pakialam kung pagtawanan man siya ng mga tao sa paligid.
            Tama bang ikaw ay nag-aaral ng pagkaguro at magsusuot ka ng mini-skirt at hayagan kung makipagharutan? Nahuhuling umiinom ng alak sa oras ng klase o dili kaya’y naninigarilyo sa harap mismo ng University?
            “Mama, para na po.” Inabot niya rito ang barya saka maingat na bumaba. Nakahanda na siya sa bulong-bulungan ng mga tao tungkol sa kanya sa araw na iyon ng Miyerkules- wash day kaya’t kahit anong baro ang suutin ay maaari.
            “Sis, look who’s coming. My grandmother’s incarnate!”
            “Yeah right! May nabubuhay pa palang ganyan sa Pilipinas. Baduy!”
            Hindi siya nagkomento sa sadyang parinig ng dalawang estudyanteng sosyal na sosyal ang dating. Maaaring may kaya ang mga ito, bulong niya sa sarili. Kaya nawawala ang  pambansang aydentidad ang Pilipinas dahil sa colonial mentality. Nawala ang marka ni Maria Clara na may dignidad at respetado.
            “Look who’s coming! The Miss Universe- National costume.”
            Malayo pa’y narinig na niya ang panlalait at tawanan ng kanyang mga kaklase na on- dated sa fashion. Sinalubong  siya ng mga nanunuyang titig ng mga ito. Napaisip tuloy siya: ano kaya ang mangyayari sakaling makapasa ang mga ito sa pagkaguro? Marahil tuluyan ng maglalaho ang orihinal na tatak ng mga Pilipino.
            Walang imik na humalo siya sa umpukan ng mga ito. Sarado pa ang silid na naka assign sa kanila.
            “Wala ka bang ibang outfit maliban sa mga sinaunang damit na iyan? Try miniskirt and tube. I’ll give you some if you don’t have one.” Hayagang wika ni Aimee. Dinig iyon ng lahat ng kanyang mga kamag-aral. Nagsipagtanguan ang mga ito saka isa isang nagvolunteer na magbibigay at ibibili siya.
            “Salamat na lang.” wika niya. “Pero sana hayaan ninyo ako sa aking pananaw. Ito ako at ayokong magbago pagkat iyon ang tunay na pagiging Pilipino.”
            “Weirdo!” buska sa kanya ng anak ng negosyanteng intsik. Hindi na lamang niya ito pinatulan, sanay na siya sa mga panlalait.
            “Maria, nakapagreview ka na ba?” tanong sa kanya ng isang kaklaseng si Dome. Kararating lang nito. Sa lahat ng kaniyang kaklase ay ito ay isa sa ilang gumagalang sa kanyang pananaw.
            Simpleng tango ang kaniyang itinugon dito saka ibinaling ang kaniyang tingin sa malayo.
            “Can I invite you to take breakfast with me. Kahit sa kantina lang tutal wala naman si Prof isinugod kagabi sa ospital. Inatake sa puso.”
            “Ikaw na lang. salamat sa imbitasyon.”
            Bumuntong hininga ito. “Huwag na lang. Malungkot ang kumain ng mag-isa.”
            Alam niyang may iba pang dahilan ngunit dahil sa awa ay pumayag din siya.
            “Sige, sasamahan kita kung kasama ko si Amata.” Huli na ng mapagtanto niya na wala na pala siyang ugnayan sa kaibigan niyang iyon na katulad niya ay isa ring manang. Ngunit nagbago ito ast hindi nakinig sa kanya. Napansin niyang ilang araw na din itong hindi pumapasok.
            Narinig niya si Emily. “Ako na lang ang tsaperon.”Nagpatiuna na ito at saka sila sumunod. Kung anu-ano ang ikinukwento sa kanya ni Dome. Labis siyang natutuwa at naaaliw pagkat iyon din ang motibo ng binata, ang pangitiin siya.
            Umorder ito ng agahan. Pati si Emily ay damay sa libre. Di nagtagal ay nagpaalam sandali si Emily, pupunta lamang daw ito ng restroom. Naiwan siyang hindi komportable. Naiilang siyang mapagsolo kasama ang isang lalaki.
            “Maria, maaari bang tumingin ka sandali sa aking mata?”
            Nagulumihanan siya sa sinabi nito ngunit kanya ring pinagbigyan ang pakiusap nito. Hindi niya alam kung bakit.
            “May pag-asa bang ako’y iyong ibigin?”
            “Hu- huwag nating pag-usapan ang bagay na iyan. Masyado pa tayong bata. Ma-mag-aral ka na lang ng maigi, alam kong kailangan ka ng kompanya ninyo.”
            Business Management ang kursong kinukuha nito. Magkaklase sila sa Rizal.
            “…maging ako ay ganoon din, nais kong maging guro at alam kong ikadudungis ng aking reputasyon kung sakaling ako ay papasok sa ganiyang bagay. Sana ay naiintindihan mo ako.”
            Malungkot man ay tumango ito at ngumiti. “Naiintindihan kita at hanga ako sa iyong layunin sa buhay. Hayaan mo akong hangaan ka at alagaan sa puso ko.”
            “Ang corny mo.” Nagawa niyang magbiro. Tumawa din ito. Ipinagpatuloy nila ang maganang pagkain at di nagtagal ay bumalik at sumalo na si Emily, maging sa usapan nila.
            Nag- ring ang phone nito kaya tumayo at nagpaalam sa kanila. Bahagya itong lumayo sa kanila.
            “Kayo ba ay nagkakamabutihan na?”
            “Hindi ah. Hangga’t maaari ay ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyan. Bukod sa ang konsentrasyon ko ay nasa pag-aaral, ayaw kong suwayin ang bilin sa akin nina Inay at Itay. Panira lamang iyan ng konsentrasyon.’
            “Tama ka diyan Maria, ako din magpapakatino na. ayaw kong matulad kay Amata.”
            Ha? Bakit? May nangyari ba kay Amata? Waring nabasa naman ni Emily ang katanungan sa kaniyang isip.
            “Oo, bumalik na siya sa probimsya. Hindi na nakuhang tapusin ang pag-aaral. Kalat na kaya sa buong campus na nabuntis siya ni Frank na ayaw naman siyang panagutan. Dahil sa kahihiyan, hayun umuwi na lang ng probinsya.’
            Kaya pala hindi na niya nabibistahan ni ang anino nito. Sila na lamang pala ni Emily ang iskolar ng kanilang local na pamahalaan. Lalong tumatag ang kaniyang paninindigan. Hindi niya dapat na tularan si Amata. Hindi niya lubos- maisip kung anong klaseng kabiguan ang malalasap ng kaniyang magulang sakaling mangyari din sa kanya ang katulad ng kay Amata.  Tutupdin niya ang pangakong medalya at diploma sa kaniyang  mga magulang nang sa gayun ay masuklian naman niya ang sakripisyo nito sa paggapang sa kaniyang pag-aaral.
            “Kaya nga magtino tayo. Saying ang salaping inilaan satin ng gobyerno. Nakakapanghinayang mauuwi sa lahat ang ating mga pagpupuyat.”
            “Tama ka diyan Maria. Ito lamang ang magiging alas natin sa pagharap sa paghamon ng buhay.”
            Ibinaba na niya ang kutsara’t tinidor. Ganoon din ang ginawa ni Emily. Saka siya dumampot ng baso ng tubig upang uminom.
            “Tapos na pala kayo.” Nakabalik na si Dome.
            Inaya na niya itong puntahan ang sunod na silid-aralan. Ito ang nagdala ng kaniyang ring folder.
            Alam niyang tama ang naging pasya niya na ipagpliban muna ang usaping pag-ibig. May tamang oras para doon.
Sa ikalawang palapag ng gusali si;a nagtungo kung saan ay kaklase pa rin nila ni Emily si Dome. Umupo sila at nag-review. Tawa ng tawa ang binata ng biruin ito ni Emily kung ano ba ang nagustuhan nito sa kanya.
            “I like her. Old fashion, isang totoong Pilipina na respetado at may dangal at dignidad.”
            Hindi niya maiwasan ang mapangiti. “Mag-aral na nga lang tayo. Finals na, huwag ninyo itong idaan sa biro.”
            “Oo nga po. Aking sintang Maria Clara.”
            Maya maya lamang ay nagsidatingan na ang kanilang mga kamag-aral. Nag-iiingay na naman ang mga ito na tila ba sarili ang daigdig. Walang imik na iinagpatuloy na lamang niya ang pag-aaral. Nararamdaman niya ang titig ni Dome kaya hindi niya naiwasan ang itaas ang titig dito. Nginitian siya nito at nag-senyas ng goodluck. Tumango lang siya.
            Biglang pumasok sa kaniyang isip ang katanungang: ilan na lang kaya kaming Maria Clara sa Pilipinas abutin pa kaya ng sanlibo ang aming bilang? Sana’y mahigit pa doon. J
















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento