Isa akong Student teacher ng isang malaking comprehensive school. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit sa kursong ito ako napunta samantalang ang pangarap ko ay maging isang nars at isang mamamahayag na sabik isabak sa Mindanao.
Nahihirapan akong gumawa ng lesson plans sa tuwina pagkat hindi ko alam kung ano ang angkop na metodolohiya ang dapat na gamitin. Tulog yata ako sa buong semester ng Professional Education.
Masaya na mahirap. Unang araw ko ay lubha akong kinabahan. Sinong hindi, mas matalino pa yata sa akin ang mga estudyante. Pilit kong pinatatag ang aking sarili, ngumiti at bumati. Halos mgdugo din ang aking ilong sa pag-fu-fluent English.
Anim ang hawak kong klase. Apat doon ay lowest sections at ang apat ay pulos mga star section ng ikalawang taon sa sekondarya. Hirap na hirap talaga ako. Pinagsisisihan ko kung bakit hindi ko sineryoso ang aking pag-aaral.
Lumipas ang mga buwan, unti unti rin akong nakapag-adjust. Nagawa ko ring memoryahin ang mukha at pangalan ng bawat isa. Lubos din akong nagalak ng ipaalam sa akin ng aking cooperating teacher na nag-iimprove ang aking pagtuturo.
Nagawa kong magposturang isang istriktang guro. Nakaya kong pakiharapan ng maayos ang lahat. Lower section? Expect the worse. Bumaba ako sa pedestal upang maabot ko sila. Sa higher sections naman, napapalaban ako sa English. Lahat ay competitive. May isa akong estudyante na sadyang matalino ngunit lagi na lang lumiliban at di nakikiisa sa sa mga gawainng interaksyon.
“Elmer, where’s your portfolio? You did not make it to deadline yet i’d gave you another chance. Five days again passed swiftly. Still, you had not passed!”
“Tommorow ma’am.” Anitong hindi man lang nagtaas ng paningin sa akin. Yumuko ito at pumikit na tila ba antok na antok.
Gusto ko siyang hambalusin pero ayaw ko naming kamuhian ng lahat. Ayaw ko ding ma-corporal punishment.
Umiyak ako ng makarating ako sa boardinghouse. Ganoon pala ang pakiramdam ng hindi ka sinusunod. Ang sakit ding tila hindi pinapahalagahan ng estudyante ang leksyong iyong pinagpuyatan upang mapaganda lamang at mapagplanuhang maayos. Napakasakit! Nararamdaman ko na kung ano ang nararamdaman ng aking mga guro.
Pumasok ako kinabukasan na may suot na oversized tinted shades upang itago sa madla ang pamumugto ko sa pag-iyak.
Wala si Elmer, hindi ito pumasok. Nakapanlulumo, matalino pa naman ito. Tinanong ko ang kaibigan nitong si Kylexiz.
“Ma’am, both of his parents died and he was left in the hand of his brother.”
Tumango lamang ako at nagdesisyong maghome visit kinahapunan upang malaman kung ano ang suliranin nito.
Kasambahay ang nagbukas ng gate. Magalang niyang tinanong kung sino ang sadya ko, malugod ko naman siyang sinagot.
“Ah si Elmer kamo Ma’am? Naku nasa talyer iyon, inaasikaso ang negosyo ng pamilya. Si Kuya Jason naman kasi hindi pa nagtitino mula ng mamatay ang kanilang mga magulang. Tuloy ang batang kapatid ang sumasalo ng responsibilidad.” Niyaya siya nitong pumasok ng kabahayan at nagpaalam na tatawagan ang batang amo.
Maganda ang kabuuan ng bahay, lantay sa karangyaan. Hindi niya masolve ang logic kung bakit sa publikong paaralan ito pinapagaaral samantalang kayang-kaya naman itong papag-aralin sa pribado.
Di nagtagal, dumatal na ang kanyang sadya. Gusot ang makintab na buhok at may grasa ang suot nitong T-shirt.
“Ah, Ma’am Cherlyn, ikaw po pala. Sandali po at ikukuha po kita ng mamemeryenda’t maiinom.’
Muli itong nagbalik tangan ang tray ng sandwich at juice.
“Thank you!” matipid akong ngumiti habang inaabot ang inaalok nitong meryenda.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtatanong. Nahihiya naman itong ngumiti at yumuko.
“Pasensya na po kung hindi ako nakapasok kanina.”
Tumango ako na nakakaunawa. Biglang tumunog ang cellphone nito.
“Ma’am, i have to go to the bakery. May maliit pong problema na kailangang ayusin. If you don’t mind, you can accompany me.”
Inayos ni Elmer ang di pagkakaunawaan ng dalawang trabahador nito. Lubha niya akong pinabilib. Masyado pa siyang bata pero grabe ang respeto rito ng mga nasasakupan nito.
Labis akong nabigla ng basta na lamang may sumulpot sa pintuan. Mukha itong lasing pagkat sumusuray-suray ito ng konti.
“Elmer! Bakit mo iniwan ang shop!”
Nakakatulig sa tainga ang tono ng pananalita nito. Napagtagni-tagni ko ang mga impormasyong nakalap ko sa araw na iyon. Ito ang Jason na kapatid ni Elmer.
Instinct pushed me to interfere ng aakma itong susuntukin ang kapatid. Ewan ko sa aking sarili pagkat nagawa kong pagbuhatan siya ng kamay at pagsalitaan ng masakit.
“Kaya pala lagi na lamang siyang lumiliban sa klase pagkat ay iyong obligasyon ay kanyang pinapasan at ginagampanan! Ikaw na siyang dapat na gumagawa niyon ay lasing at mahina pa sa patpat! Hindi mo ba naisip na may isang taong umaasa sa iyo at patuloy na umaasa ngunit anong nangyari? Nagdurusa siya sa iyong kagagawan. Namatay nga ang iyong magulang ngunit may iniwan siya sa iyong alaalang dapat na ingatan.”
Natulala ito sa aking sinabi. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi. Basta ang alam ko, niyakap ko muna si Elmer bago umalis. Binilinan ko pa siyang pumasok kinabukasan.
Pumasok nga ito kinabukasan na bitbit ang yaring portfolio. Ng sumunod na araw ay nasiyahan ako pagkat hindi ito lumiban, nakikiisa na rin ito sa mga gawain sa klase.
Minsan, nadaanan ako ng motor nito habang nasa daan ako papasok ng paaralan, huminto ito at inalok ako na sumakay. Nakakagulat pagkat inihatid ito ng kapatid na nagmukhang bata sa bago nitong gupit. Nahihiyang kumamot ito sa batok ng ngitian ko.
Dumaan pa ang mga araw, namalayan ko na lamang na huling araw ko na sa paaralan bilang ST. Masakit man sa kalooban ay kailangan ko ng magpaalam. Maalala ko sila sa tuwina, gusto kong lumuha ng isa isa nila akong abutan ng goodbye notes at regalo nila na pakana ni Elmer.
Nagreport ako sa unibersidad na aking pinapasukan ng mugtong mugto ang mata. Lubha akong nadala sa liham ni Elmer na kung susuriin ay hindi naman talaga nakakaiyak. Masyado nga lang mababaw ang aking luha at isa akong emosyonal na tao.
Ma’am Che,
I thank God because He gave me you.
Ng dahil sa iyo, nagkaayos kami ni Kuya Jason. Pati ang aming buhay ay inayos mo rin. Salamat ng marami. Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa aking buhay.
Maraming salamat din sa tulong mo, sa pag-alalay sa akin upang maunawaan ko ang mga pagksa na iyong tinalakay noong lumiban ako sa klase.
Hinding hindi kita malilimutan Ma’am.
‘nga pala ma’am, crush kita.
Elmer
Kalakip ng portfoliong iyon ang charcoal painting ng aking mukha. Siya din mismo ang gumawa niyon para sa akin.
Siya din naman, hinding hindi ko malilimutan. Ng dahil sa kanya, ganap kong naintindihan ang kahalagahan ng mga guro. Siya ang senyales sa akin ng Panginoon upang maipabatid sa aking para ako sa propesyong ito.
Sadya talagang mababaw ang aking luha, dahil iyon sa kagalakan ng isang araw ay may inabot sa akin ang aking kamag-aral na liham mula kay Elmer.
Iniimbitahan akong siyang magsabit sa kanya ng ribbon. Hindi ako nagdalawang isip na umoo.
Proud akong pumanhik ng entabladong kasama siya ng sumapit ang araw ng rekognisyon habang nakangiting naghihintay sa amin ang kanyang kapatid sa ibaba. Nagpakuha kami ng litrato, pagkababa ay nagpakuha uli kami kasama ang kanyang kuya.
Pagkatapos ay sa isang klas na restawran kami dumiretso upang ipagbunyi ang tagumpay ni Elmer. Masaya naming pinagsaluhan ang inorder na pagkain at ibinigay ko sa kanya ang aking handog.
Saglit na iniwan kami ni elmer upang magtungo daw sa CR. Naiwan kami ng kapatid nito.
“Salamat.” Ani ni Jason. Umangat ang aking paningin dito at tinugon ang mga ngiti nito sa labi.
Pagbalik ni Elmer ay may tangan itong rosas, iniabot ito sa kapatid at mabilis na umeskapo. Makikisaya daw ito sa mga kaklase, binilinan nito ang kapatid na ihatid ako sa amin ng maayos.
Nahihiyang ngumiti muli si Jason habang inaabot sa akin ang rosas na kay pupula, tatlo iyon. Namula ang init na init kong pisngi habang inaabot iyon. J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento