Mga Pahina

Powered By Blogger

Linggo, Disyembre 11, 2011

GINTONG KWINTAS NA PUSO (Maikling Kwento)


            Muling inilapag ni G. Reamucio ang puswelo ng mainit na kape matapos sumipsip ngkaunti saka muling itinuon ang kanyang paningin sa binabasang dyaryo. Isang buntonghininga ang kanyang pinakawalan matapos mabasa ang nasa frontpage, puro larawan at follow-ups sa nangyaring tsunami sa Japan na siyang lumuray sa industriyalisadong bansa.
            Labis na pighati at pagkabahala ang dala niyon sa kanya. Pighati pagkat mahigit dalawang lingo nang hindi natutunton si Maisie. Bagamat tanggap na niyang hindi sila ang tinakda para sa isa’t isa, ito pa rin ang nag-iisang umuokupa ng kanyang puso. Pagkabahala pagkat hindi na matutuloy ang pagdisclose ng deal ng AltaReamucio Cyberspace, Inc. kung saan siya ang CEO at ng sikat na computer company ng Japan. Marami pa man din silang kliyenteng maapektuhan at hindi siya magkandaugaga sa pag-iisip kung ano ang solusyon ang ilulunas niya sa problema. Hindi ganoon kadali ang makipagdeal at isa pa, kung hahanap siya ng panibagong makakadeal, tiyak na hindi presyong kaibigan ang ipapataw nito kundi standard market prize.
            Apektado ang ekonomiya ng bansa, maging ang kompanya na pinagkukunan ng kanyang kinabubuhay. Malaking pagnipis ng kanyang electronic money ang mangyayari at hindi malayong matibag ang kanyang mataas na reputasyon sa industriya at maglaho na parang bula.
            Mula sa rooftop ng kanyang apat na palapag na residensya, tanaw niya ang bughaw na kalangitan at mga kumpol ng puting ulap, ang kapaligirang kinatitirikan ng kanyang bahay at ang daloy trapiko sa kahabaan ng isang kalye sa Makati City.
            Isa pang malalim na pagpakawala ng buntonghininga. Hindi malayong mawala sa kanya ang lahat mga ari-arian at kasaganahang kanyang tinatamasa.
            Krnggg…krnggg. Ang pag-iingay ng kanyang telepono ang siyang dahilan upang maudlot ang tuloy tuloy sanang pagdagsa ng mga alalahanin sa kanyang buhay. Iniangat niya iyon, hinayaang ang nasa kabilang linya ang magsalita.
            “Sir,a certain Yuki Yokohama is insisting me to connect him with you. He is demanding a call from you.”
            “I’ll be at the office in an hour, saka ko na siya tatawagan.”
            Pagkababa ng telepono ay muli siyang humigop ng kape. Bagamat nais niyang mas lalong umunlad sa maiksing durasyon ng oras, ayaw niyang dinadala ang negosyo sa bahay. Isa iyon sa ikinapupuri sa kanya ng mga kilalang pangalan sa larangan ng negosyo pero sa oras na iyon, hindi niya napigilan ang mag-alala.
            Sana’y nasa mabuti siyang kamay. Nanghihina ang kanyang tuhod ng muling sumagi sa kanyang isip ang mukha ni Maisie. Tuloy, pati ang kanyang diwa ay naglagalag sa himpapawid. Natagpuan niya ang sarili na sumaglit sa nakaraan. Unang kita pa lamang niya pa lamang niya kay Maisie ay alam niya sa kanyang sarili na ito ang nagmamay-ari ng kanyang puso. Nagkakilala sila ng minsang dumalo ito kasamang mga magulang na kilala sa larangan ng negosyo sa isang sosyalan, hindi sinasadyang natapakan niya ang sandals nito. Inisyal na reaksyon na inaasahan niya ay magagalit ito ngunit ito pa ang huminging paumanhin.
            Mula noo’y nag-iba ang ikot ng kanyang mundo. Nagsilbi itong inspirasyon sa kanyang pag-aaral at negosyo, tuwina’y tinatawagan niya ito at minsan naman ay sinusundo sa unibersidad na pinapasukan nito. Hindi naglaon ay nagbunga ang kanyang panunuyo. Napasigaw sa galak at lumukso pa sa harap ng mga nagdaraang mag-aaral ng sagutin siya nito. Ngunit kaybilis magbagong pasya ng tadhana, inilayo ng mga magulang si Maisie sa kanya, sa kabilang ibayo ito nagpatuloy ng pag-aaral pagkat iyon ang kagustuhan ng magulang nito na hindi mabali-bali.
            Halos madurog ang kanyang puso habang sa malayo ay inihahatid niya ng tanaw ang sintang irog habang pasakay ito sa eroplano. Nais man niyang lumapit ay hindi niya magawa pagkat nakabuntot dito ang mga istriktong magulang.
            Tanging halik na sumisimbolo ng kanilang marubdod na pagmamahalan at sumpang sila ang magsing-irog habang buhay ang siyang kanyang pinanghahawakan upang patuloy na mabuhay at makibaka sa agos ng panahon.
            Krnggg…Krnggg. Ang muling pagtunog ng kanyang telepono ang nagpagising ng kanyang diwa.Iniangat niya iyon.
            “Ser kaelangan pong bomaba kayo reto bago pa bomaha ng loha.”
            “Segunda, anong pakulo na naman iyang sinasabi mo? Wala akong panahong patulan ang mga kalokohan mo.”
            “Ser,hende eto juk. Ang kulet ng batang eto. Henahanap ka, nagbanta pang magwawala at babasagen ang mga peguren paghende ka lomabas. Hende daw po seya aales pag de ka nagpaketa.”
            Bata? Baka naliligaw lamang ito at alam niyang hindi siya ang sadya nito pagkat wala siyang kakilala siyang kakilalang bata. Nag-iisa siyang anak kaya wala siyang ianaasahangbisitang pamangkin, wala rin siyang ibang kilalang pamilya pagkat pulos nasa Siquijor ang kanyangmga kapamilya. Sa tanang buhay niya’y hindi pa niya nabibistahan ang mga mukha ng kanyang mga kamag-anak.
            Nagbanta pang magbabasag ng pigurin. May pagkamainitin ang ulo, napangiti siya sa inilarawan ni Segunda. Ganoon din siya noong araw. Nagwawala kapag hindi nakukuha ang nais kamtan.
“Tanungin mo kung sino ang kailangan. Baka naligaw lamang iyon. Baka kapitbahay natin ang kailangan.”
“E, ser, Chome Reamucio. Ikaw lang naman ang Reamucio sa sobdebesyong eto.”
Kumulubot ang kanyang noo sa pag-iisip kung ano ang kailangan nito sa kanya. Tumayo siya at ipinamulsa ang kaliwang kamay.
“Sandali at bababa na ako Segunda. Papanhikin mo na rito si Cristine at utusang iligpit itong pinagkapehan ko.”
“Opo ser.”
Maingat na humakbang siya pababa ng hagdan, iyon ang hagdan kung saan madalas siyang maaksidente noong bata siya. Hindi lamang dahil sa malikot siya at minamadali ang pag-akyat baba kundi dahil sadyang madulas ang hagdang kayhaba. Araw-arawitong nilalampaso at nililinis ng Yaya Francia sa utos ng inang kahit saang anggulo ay kita ang pagkaistrikta. Mabuti at noong nagdesisyon itong manirahan na sa Espanya kasama ang kanyang Papa niya’y isang ulit na lamang ang pagbubunot na pinagagawa niya sa katulong kada isang buwan.
Nadatnan niyang nagtatalo si Segunda at ang kanyang batang bisita. Nakatayo itong patalikod sa kanyang kinatatayuan. Habang ang kanyang katulong ay prenteng nakaupo sa sofa.
Mahaba ang buhok ng matangkad na bata, malusog ang pangangatawanat makinis. Sa tantiya niya ay  kabilang ito sa buena familia at ang edad ay hindi lalagpas sa sampung taon. Natitigilan siya ngunit agad din namang nakabawi.
“Iharap mo siya sa akin sa lalong madaling panahon bago pa ako mag-huramentado. Tiyak na mali-late ako sa school, uulanin ng sermon ni titser.”
“Maghentay ka. Bababa na eyon. Howag kang atat pwidi? Narerende na ang tenga ko sa eyo.”
Humalukipkip ito saka naglakad lakad. Tumigil ng matuon ang pansin sa nakasabit na larawan sa dingding. Bigla na lamang tumibok ang kanyang puso, hindi niya mahalukay sa kanyang isipan kung bakit siya nagkakaganoon. Tila may bumara sa kanyang lalamunan pero baka nagkakamali lamang siya. Humarap itong bigla at nag-usap ang kanilang mga mata. Tila may maliit na kamay ang humaplos sa kanyang puso. Alanganing sumungaw ang tila nahihiya pang ngiti sa kanyang labi.
“Magandang umaga po.” Magiliw na yumukod ang bata.
“Magandang umaga binibini. Halika doon tayo mauposa sofa, mag-usap tayo.”
Sumunod dito sa kanya. Inutusan niya ang katulong na ikuha ito ng snacks.
Patlang.
Pawang katahimikan ang nasa ere.
Nakatitig lamang siya rito. Ang maamo nitong mukha, ang mga mata at malalantik napilik, ang ilong- pawang replica ni…
Maisie, turan ng kanyang isip. Bumaba ang kanyang titig sa leeg nito…suot ang kwintas na hugis puso na tiyak niyang lantay sa ginto.
“Matagal na akong pinabibisita dito ni mama. Di lang lang talaga ako makapuslit kina lola.hindi kop o alam kung bakit pinipilit ni mama pero ngayong wala na siya, saka ako nagkalakas loob na pumunta dito. Bilin kasi niyang tuwina ay bisitahin kita.”
Hindi niya magawang magsalita, ganoon yata ang nararamdaman ng isang…
“Maaari mo bang buksan iyang hugis puso para sa akin?”
“Opo, sandali lang po.”
Tinanggal nito ang kwintas mula sa pagkakasuot sa leeg saka binuksan at iniabot sa kanya. Halos hindi siya makahinga ng makumpirma ang hinala. Ito ang kwintas na ibinigay niya kay Maisie noong kanyang ipadama ang pag-ibig sa kanyang mahal. Naroon ang larawan nilang dalawa.
Umalpas ang laksang luha ng muli niyang titigan ang mukha nito. Hindi niya halos magawang huminga dahil sa pagrigodon ng kanyang puso. Lumuhod siya’t niyakap ito.
“Bakit po kayo umiiyak? May problema po ba sa akin?”
Hinagod niya ang likod nito at tumawa.
“Wala. Saan ka ba nag-aaral at ihahatid na kita.”
“Sa St. Helena po pero…”
Dumating si Segunda dala ang cookies at juice.
“Huwag na po. Late na ako.” Anitong alukin niya ng pagkain.
“Sige. Halika na at ihahatid nakita. Susunduin na din kita pagkatapos ng klase mo. Kakausapin ko ang iyong lola.”
“Po? Huwag! Magagalit sila.”
“Wala kang dapat na ikatakot, dito ka na titira.”
“Ho?”
“Anak kita Chrome!”
Walang pagsidlan ang kanyang tuwa ng yumakap ito sa kanya ng mahigpit.  Hindi niya akalaing isa na pala siyang ama. Disidido siyang punan ang kanyang pagkukulang bilang ama sa loobng lumipas na sampung taon.
Muli niyang isinuot dito ang kwintas na hugis puso saka magkahawak kamay na lumabas ng mansyon.
“Yehey! Ipapakilala kita sa mga classmates ko. May daddy na ako.”anitong hawak pa rin ang kanyang kamay.
Isang malawak na ngiti ang kanyang itinugon. J












Walang komento:

Mag-post ng isang Komento